NASABAT ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga ang isang motorized wooden craft lulan ang illegaly imported 482 master cases ng sigarilyo na may market value na P27.6 milyon.
Kasama ng BOC Water Patrol Division (WPD) ang Enforcement and Security Service-Customs Police Division, at Customs Intelligence and Investigation Service sa isinagawang maritime patrol operation na nagresulta sa pagkakasabat sa motor boat na FB JFM 2.
Nang inspeksyunin ang motor boat o kilala bilang “Jungkong”, natuklasan na may sakay itong mga kontrabando.
Bigo ang siyam na crew na magpakita ng kinakailangang mga dokumento na magpapatunay na legal ang kanilang operasyon.
Ang sasakyang pandagat at mga sigarilyo ay nasa pag-iingat na ng bureau habang ito ay iniimbestigahan.
(JOCELYN DOMENDEN)
253