P3.00 DAGDAG PASAHE TABLADO SA COMMUTERS

0

HAYAGANG tinutulan ng isang grupong kumakatawan sa mga pasaherong Pilipino ang isinusulong ng mga tsuper na P3.00 dagdag pasahe sa minimum fare.

Sa isang pahayag, nilinaw ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na hindi sila kontra sa petisyon para sa dagdag pamasahe lalo pa’t lingguhan na ang naitatalang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.

Gayunpaman, dapat umanong bigyang proteksyon at unawain ang kinasasadlakan ng mga pasahero.

Matatandaang naghain ng petisyon ang ilang driver at operator sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para taasan ang pamasahe dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo.

Ayon kay Atty Ariel Inton na tumatayong pangulo ng LCSP, piso lamang ang naangkop sa dagdag pasahe sa mga pampublikong sasakyan, kasabay ng giit na marapat tulungan pa rin ng gobyerno

sa ibang paraan ang mga nagdurusang tsuper at operators na hindi halos aniya makaagapay dahil sa pinaiiral na limited capacity ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga dyip at bus.

Nauna ng  inihayag ng LTFRB na posibleng umabot sa P1.26 ang maging minimum fare hike para sa mga pampublikong sasakyan base sa kanilang kwenta.

Ayon kay LTFRB executive director Joel Bolano, maaaring matugunan ang problema sa pamamagitan ng akreditasyon ng mga karagdagang gas stations kung saan ang mga PUV drivers ay maaaring makinabang sa kanilang subsidiya sa gasolina. (LILY REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment