P3.6-B SHABU NAKUMPISKA SA PAMPANGA

TINATAYANG 530 kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng mahigit P3 bilyon, ang nakumpiska ng law enforcement agency sa lalawigan ng Pampanga

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasabing shabu sa Gate 1 ng Empire 999 Realty Corporation sa Purok 5, San Jose Malino, Mexico City, Pampanga.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni Remulla na ang nakumpiskang ilegal na droga ay tinatayang P3.6 bilyon ng halaga.

Nabatid pa sa kalihim, dumating sa bansa ang ilegal na droga sa Subic Port mula sa Thailand nitong Setyembre 18.

Nakasilid aniya ito sa 59 brown box na may lamang chicharon, dried fish, softdrinks at dog food ngunit nasa ilalim ng mga ito ang ilegal na droga.

(RENE CRISOSTOMO)

261

Related posts

Leave a Comment