PAALALA NI PBBM SA MGA SUNDALO: ‘WAG MAGPABUYO SA INGAY NG PULITIKA

BINISITA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga sundalo ng Southern Luzon Command (SOLCOM) kahapon sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, Quezon.

Dito ay pinaalalahanan ni Pangulog Marcos ang mga sundalo na huwag magpadala sa nagaganap na ingay ng pulitika.

Kasama ng commander in chief sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at General Romeo S. Brawner Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Pinapurihan ng Pangulo ang mga opisyales ng SOLCOM sa kanilang naging mga accomplishment at hinikayat na manatiling nakatutok sa kanilang misyon.

“So, I’m very happy to be able to see this and I’m even happier to be able to note that your successes — maganda ang inyong performance sa inyong trabaho. Keep up the good work and, we, in the civilian government, are completely behind you,” pahayag ng presidente.

Paalala ng Pangulo sa tropa na manatiling nakapokus sa kanilang misyon at huwag magpabuyo sa nagaganap na political noise.

“Let’s keep [our] mission clear in our mind. And kung nadi-distract tayo — siyempre maraming sigaw, maraming ingay — ‘pag nadi-distract tayo at sabi papaano na ito? Madali iyan, madali ang sagot diyan: Ano ba ang mission ko? Iyon, ‘yun ang tutuparin ko,” dagdag ng pangulo sa kanyang mga tauhan.

Kasunod nito ang pagtiyak ng Pangulo PBBM sa tuloy-tuloy na suporta at pagpapalakas ng kapasidad ng hukbo para laging handa sa pagtugon sa pangangailangan ng bansa. (JESSE KABEL RUIZ)

34

Related posts

Leave a Comment