INAASIKASO na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Embassy sa Turkey ang repatriation ng Pinay na kabilang sa namatay sa lindol doon.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Maria Teresita Daza, nakikipag-ugnayan na rin sila sa pamilya ng biktimang Pinay.
Kaugnay nito, labis na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpanaw ng dalawang Pilipino matapos ang 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Turkey at Syria kamakailan.
“It is with deep regret that we learn of the passing of two Filipinos in the recent 7.8-magnitude earthquake that devastated Türkiye,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Twitter account.
Tiniyak naman nito na patuloy na kumikilos ang Embahada ng Pilipinas para iberipika ang anoman at lahat ng impormasyon ukol sa mga Pilipino na apektado ng lindol.
Sa ulat, nitong Lunes nang yanigin ng magnitude 7.8 earthquake ang bahagi ng Turkey at Syria dahilan para umabot na sa mahigit 15,000 ang nasawi. (CHRISTIAN DALE)
