PAGBILI NG ANTI-COVID DRUG PAHIRAPAN

0

INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nitong Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila ang problema sa suplay sa Swiss ambassador at sa manufacturer ng gamot na Roche.

“Wala po tayong makukuha kasi ..it’s a global supply problem. Wala talaga tayong magawa,” ani Galvez.

Noong nakaraang linggo, binanggit ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang suppliers na maaaring nakakuha ng tocilizumab mula sa Iran.

“We have also sent a letter to the Swiss embassy requesting to prioritize 30,000 vials of tocilizumab for the Philippines,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nauna rito, sinabi ng DOH na inaasahan na nilang mananatiling limitado ang global supply ng tocilizumab hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

Sa ngayon, tinitingnan naman ng gobyerno ang baricitinib bilang alternatibo sa tocilizumab. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment