NAIS ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na kalkalin din at simulan ang imbestigasyon ng korapsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Cong. Yap, una nang lumutang ang isyu sa milyon-milyong pagkawala ng pondo ng (PhilHealth) noong panahon ni PNoy at kabilang sa mga sinasabing may malaking suweldo at allowance ay mga opisyal tulad ni Senador Risa Hontiveros na noon ay miyembro ng Board of Directors ng ahensya.
Sinabi ni Yap, hanggat walang nakukulong na mataas na opisyal ng (PhilHealth) ay hindi titigil ang pagnanakaw sa perang pinaghirapan ng bawat miyembro ng nasabing tanggapan.
Sinabi pa ni Yap, chairman ng Committee on Appropriations na naglalabasan ang korapsyon ngayon sa (PhilHealth) dahil may lakas ng loob na magsalita ang ilang matitinong empleyado at opisyal sa loob ng ahensiya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, marapat lamang na makulong at walang sisinuhan sa mga taong responsable sa pandarambong sa pondo ng pamahalaan. (CESAR BARQUILLA)
83