PABOR ang nakararaming Pilipino sa ginawa ng Kamara de Representantes na ilipat ang confidential funds ng mga civilian agency sa mga ahensya na may kaugnayan sa pagbibigay ng proteksyon sa bansa.
Ito ang resulta ng survey na ginawa ng OCTA Research mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4.
Ayon sa survey, 57 porsyento ang pabor sa ginawa ng Kongreso at 14 porsyento lamang ang tutol dito.
Sa 57 porsyento na pumabor, pinakamarami ang nasa Luzon (75 porsyento), sinundan ng National Capital Region (65 porsyento), Visayas (46 porsyento) at Mindanao (24 porsyento).
Nakasaad din sa survey na 72 porsyento ng mga Pilipino ang mayroong alam sa ginawang paglipat ng confidential funds ng Kamara.
Matatandaan na nagdesisyon ang Kamara na ilipat ang kabuuang P1.23 bilyong confidential fund mula sa mga civilian agency patungo sa mga ahensya na ang mandato ay tiyakin ang seguridad ng bansa.
86