PAGPAPAUWI SA MGA PINOY SA ISRAEL MAMADALIIN

HANDA ang Pilipinas na madaliin ang emergency repatriation ng mga Filipino sa Israel sa gitna ng pinakamabigat na bakbakan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Philippine Embassy sa Israel at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay eksperto sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga Filipino sa gitna ng huling karahasan sa Gaza at Jerusalem.

“So, hinahanda na po ‘yung posibleng repatriation at binibigyan na po sila ng warning na kung pupuwede po ay mag-ingat dahil dito sa mga pag-iinit ng mga pangyayari diyan sa Israel at sa occupied territory,” ayon kay Sec. Roque.

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang goyerno ng Pilipinas ay magsasagawa ng special mission para sunduin ang mga distressed Filipino “kung kinakailangan.”

“At ang gobyerno naman po natin, kung talagang kakailanganin, siyempre po susunduin po natin ang ating mga kababayan kung talagang kinakailangan at kung talagang gusto po nila,” aniya pa rin.

May kabuuang 29,473 Filipino ang kasalukuyang nagtatrabaho at nakatira sa Israel.

“No Filipino casualties have been reported amid the escalating exchange of air strikes and rocket fires between Israel and Palestinian militant group Hamas,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

May mga namatay kabilang na ang mga kabataan kasunod ng matinding “aerial exchanges” sa pagitan ng Israeli Forces at Hamas na kumontrol sa Gaza Strip simula pa noong 2016.

Sa kabilang dako, lima naman ang namatay sa Israel, habang 35 ang namatay sa Gaza, ayon sa report ng Israeli newspaper Haarest.

Pinayuhan naman ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang Filipino community sa Israel na manatiling bigilante at ipagpaliban o tuluyang ikansela ang travel plans sa mga lugar na malapit sa border ng Gaza.

Sinabihan din sila ng embahada na iwasan ang Israeli security forces na nakatalaga sa “sensitive areas.”

Hinikayat din ang mga Filipino sa Israel na hanapin ang malapit na protected area kapag kinakailangan at gumawa ng extra precautions kapag sumakay sa public vehicles.

“In case of emergency, the embassy may be reached at +972.54.466.1188. Affected Filipinos may also contact the Israeli authorities at 100 (Police), 101 (Ambulance or Emergency Service), 102 (Fire), 104 (Home Front Command), 106/107/108 (Municipality Call Center),” ayon sa ulat. (CHRISTIAN DALE)

52

Related posts

Leave a Comment