PAGPUNTA NI PBBM SA GRANDPRIX SA SG WALANG MASAMA- DALIPE

MATAPOS ang mahabang serye ng aktibidad ng House of Representatives ay muling nagsama sama ang nga members,secretariat officials at mga kawani maging ng congressional staff ng mababang kapulongan ng kongreso sa isang flag raising ceremony ba may theme na “One House , One Voice”.

Pinasalamatan ni House Majority leader, Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang house secretariat at congressional staff sa kanilang malasakit sa bansa sa kabila ng pandemya.

Pinuri din ni Dalipe ang dedikasyon ng kongreso upang maabot ang deadline sa of apruba sa national budget ng susunod na taon at maging ng mga mahahalagang bills upang maipatupad ang pangako sa sambayanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantala, walang nakikitang masama si Dalipe sa pagdalo ni PBBM sa isang F1 Grand Prix sa Singapore nitong nakaraang weekend na hindi lamang si Pangulong Marcos ang naimbitahan kundi sa mga pinuno ng Southeast Asia kung saan ay naimbitihan umano ito noong nakaraang buwan sa kanyang pagbisita.

Wala rin aniyang pinalalampas na panahon ang Pangulong Marcos Jr. upang makahatak ng mga foreign investors upang makaahon ang ating bansa sa patuloy na pagtaas ng bilihin at pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar. (MYRNA VERE)

18

Related posts

Leave a Comment