PAGTAKBONG VP PANAKOT LANG NI DUTERTE

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na panakot lamang ang sinabi niya na seryoso niyang isinasaisip ngayon ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.

“Ako naman ‘yung vice president ko pantakot lang sa kanila ‘yan. But sabi ko, let us see,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

” if it is good for the country, I will do it. If it does not contribute anything to our Republic, then huwag na lang, magsasayang lang tayo ng oras pati you contribute to the conundrum of the moment,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa kabilang dako, sa Talk to the People pa rin n Pangulong Duterte ay inulit naman ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, na walang illegal sa posibilidad na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo si Pangulong Duterte.

“Na ‘yung prohibition ay ang pagtakbo ng nakaupong president sa halalan. Sa madaling sabi, kung matapos ang kaniyang termino, eh hindi na siya pupwedeng tumakbo uling president. ‘Yun po ang ipinagbabawal at ‘yun ang maliwanag. Wala pong sinasabi ang Saligang Batas na ang presidenteng nakaupo ay hindi na pupwedeng tumakbo sa ibang posisyon,” ani Panelo.

Aniya pa, walang katotohanan na target ng Pangulo na tumabo bilang bise-presidente para manatili sa kapangyarihan at maiwasan ang di umano’y crimes against humanity sa International Criminal Court.

Matatandaang, suportado at itinutulak ng ilang kapartido ni Pangulong Duterte ang posibilidad na pagtakbo ng Chief Executive bilang bise-presidente. Ipinaubaya rin sa kanya ang pagpili sa kung sino ang kanyang magiging running mate sa 2022 elections. (CHRISTIAN DALE)

60

Related posts

Leave a Comment