Palasyo pumiyok ATLETANG PINOY KULANG SA SUPORTA

0

INAMIN ng Malakanyang na hindi nakatatanggap ng sapat na financial support ang mga atleta ng national team.

Inamin ni Presidential spokesperson Harry Roque ang bagay na ito matapos manalo si Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal sa weightlifting 55 kilogram division sa Tokyo, Japan.

“Kulang po talaga, parang minimum wage nga lang po ang allowance ng ating mga atleta. Titignan natin kung paano mababago ito,” ayon kay Sec. Roque.

“Titignan natin paano maitataas ang nakukuha nilang allowance at iba pang benepisyo as members of national team. Kung napakaliit at kulang ay nanalo pa rin, mas marami nang mananalo ng ginto kung maibibigay natin ang sapat na benepisyo,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang noong June 2019, humingi ng financial assistance si Hidilyn mula sa private sector para sa kanyang Olympic gold medal bid.

Sinabi ni Hidilyn na ang paghingi ng tulong pinansyal sa labas ng pamahalaan ay nakahihiya subalit kailangan niyang gawin para sa kanyang layunin na masungkit ang Olympic gold medal.

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque sa publiko na makukuha ni Hidilyn ang mga bagay na nararapat sa kanya gaya ng P33 million reward na na-secure nito matapos manalo ng first Olympic gold medal simula nang sumali ang bansa sa olimpiyada noong 1924.

“Kung anoman ang kakulangan sa training, I am sure mababawi sa generosity ng pamahalaan at ng private sector because she truly deserves it and made us proud,” ayon kay Sec. Roque.

“Ang tagumpay ni Hidilyn ay tagumpay ng lahat ng Pilipino,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment