Panukalang paghati sa prangkisa walang batayan TAKEOVER ATTEMPT SA MERALCO GARAPALAN

(JOEL O. AMONGO)

IKINABAHALA ng mga negosyante ang tila planadong atake ng ilang kongresista na pawang nasa partidong may backer umano na kilalang negosyante kamakailan.

Sa isang pahayag ni Federation of Philippine Industries (FPI) Jess Arranza, binatikos ng grupo ang garapalang pagtatangkang hatiin ang prangkisa ng Meralco na walang matibay na basehan o pag-aaral man lang.

Malinaw anila na hindi ito pinag-isipan dahil interes dapat ng kanilang mga kinakatawan sa Kongreso ang ipinaglalaban ng mga mambabatas na ito.

Sa halip makatulong sa ekonomiya ng bansa, tila gusto lamang umanong sindakin at guluhin ng mga kongresista ang mga lehitimong negosyo.

Para sa FPI, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga namumuhunan para pagbutihin ang pagtakbo ng ekonomiya kaya walang saysay ang mga ginagawang panggugulo at pag-iingay ng mga taong dapat sana ay kaisa ng pamahalaan sa pagsulong ng pag-unlad at pag-angat ng buhay ng mga Pilipino.

Tinawag ng FPI na counterproductive ang mga atakeng nagdudulot ng hindi naman kailangang kaguluhan dahil mayroon namang mga sistemang nakalatag para lutasin kung mayroon mang problema ang mga negosyo.

Kaya nga may mga ahensya ng gobyernong may kanya-kanyang responsibilidad na mangasiwa sa mga kumpanya, kagaya ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission sa industriyang kinabibilangan ng Meralco.

“Ilan sa ipinupunto ng mga kongresista ang sinasabing weighted average cost of capital o WACC ng Meralco kaya talagang mapapaisip ang mga nakasubaybay sa mga batikos nila dahil bukod sa hindi naman kontrolado ng kumpanyang ito, hindi lang naman Meralco ang apektado ng WACC,” ayon pa sa grupo.

Pinuna rin nila ang sinasabing paglabag kuno sa reportorial requirements o yung pagsumite ng financial statements ng Meralco, na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na napaka-accessible nito sa publiko dahil listed na kumpanya sa Philippine Stock Exchange ang Meralco.

Malinaw para sa FPI at sa iba pang grupong nakasubaybay dito na mayroong interes na isinusulong ang mga mambabatas ngunit hindi naman para talaga sa mga konsyumer.

313

Related posts

Leave a Comment