PASAHERO NAMATAY HABANG NAKAPILA SA NAIA

patay

DEAD on arrival sa isang pagamutan sa Pasay City ang isang babaeng pasahero matapos mawalan ng malay habang nakapila sa Immigration area counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Ayon sa report ng Philippine National Police (PNP) AVSEGROUP, kinilala ang biktimang si Myrna Agnas, 68, residente ng Hamoraon, Minalabac, Camarines Sur.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, patungong Singapore ang biktima at nakasakay sa wheelchair patungong Immigration area counter nang makaramdam ng pagkahilo at nawalan ng malay dakong alas-3:15 ng madaling araw habang itinutulak ng attendant ang kanyang wheelchair.

Ginising ito ng attendant ngunit hindi na nagkamalay kaya agad tumawag sa MIAA medical team para mabigyan ng medical assistance ang biktima.

Pagkaraan ay isinugod ang biktima sa San Juan De Dios Hospital ngunit bandang alas-5:10 ng umaga ay idineklarang patay na dahil sa cardiac arrest. (FROILAN MORALLOS)

21

Related posts

Leave a Comment