PATAY NA BABAENG NAKAGAPOS, ITINAPON SA ILOG

patay

ISANG nakaposas na bangkay ng isang babae sa loob ng isang sako ang natagpuan sa isang ilog sa Malabon City.

Alas-8:00 ng umaga noong Setyembre 21, habang nangunguha ng kalakal ang saksing si Alfredo Broa, 73, scavenger, sa Northern Hills Property Compound, sa Industrial Road, Tullahan River, Brgy. Potrero nang mamataan ang isang sako kung saan nakasilid ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog.

Dagling iniulat ng scavenger sa gwardya sa lugar ang nadiskubre, na siya namang nag-ulat sa Malabon Police.

Sa ocular investigation, natuklasang ang biktima ay may tattoo sa kanang binti at kaliwang bisig, nakasuot ng itim na sando at brown checkered short pants, nakaposas ang mga kamay, ang mga paa ay nakatali ng alambreng nakakabit sa posas, at nakabalot ng masking tape ang mukha.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang biktima at kung sino ang responsable sa krimen.

Dinala sa Philippine National Police crime laboratory ang bangkay para sa autopsy examination. (ALAIN AJERO)

Related posts

Leave a Comment