PATAY SA CALABARZON RAID UMAKYAT SA 9

SIYAM na aktibista na ang iniulat na nasawi sa magkakasunod na pagsalakay ng pulisya at militar sa iba’t ibang bayan sa Calabarzon.

Base sa ulat mula sa Police Regional Office 4A, ang madugong raid ay bunsod ng malawakang pagsisilbi ng search warrants na isinagawa ng PNP regional office, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine Army at Special Action Force sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Anim ang nasawi sa Rizal, dalawa sa Batangas at isa sa Cavite.

Tatlo katao naman ang naaresto sa Laguna at tatlo rin sa Rizal habang siyam umano ang nakatakas.

Kabilang umano sa mga nasawi si Bayan Cavite coordinator Manny Asuncion na binaril sa raid sa Worker’s Assistance Center sa Dasmarinas City.

119

Related posts

Leave a Comment