PBBM AT US VP HARRIS MAGPUPULONG NGAYON

WALANG negatibong epekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang napipintong pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan.

Tugon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanong kung may masamang epekto ang napipintong byahe ni Harris sa Palawan sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Dumating ng Linggo ng gabi sa Pilipinas si Harris matapos dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

Makikipagpulong ito kay Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte ngayong Lunes bago magtungo bukas sa Palawan, itinuturing na “one of the Philippines’ closest territories sa pinagtatalunang South China Sea.

Samantala, balik-bansa na rin nitong Sabado ng gabi si Pangulong Marcos Jr. matapos dumalo sa APEC Summit.

Sa kanyang ulat sa bayan, inisa-isa ni Pangulong Marcos ang mga usaping tinalakay sa summit ng mga leader at kinatawan ng 21 member economies gaya ng isyu sa climate change, supply chain, food supply, digitalization at women empowerment.

Inilarawan pa ito ng pangulo bilang isang kapaki-pakinabang at produktibong proseso. (CHRISTIAN DALE)

27

Related posts

Leave a Comment