HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang gobyerno partikular ang Philippine Coast Guard na bumuo ng ‘sensible plans’ sa pagharap sa Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod ng panibagong insidente ng panghaharas sa PCG na nasa re-supply mission sa Ayungin Shoal.
“Dapat ‘mautakan ng PCG ang CCG on our re-supply missions’. They should come up with sensible plans behind closed doors,” pahayag ni Pimentel.
Hindi naman pabor si Pimentel na panahon nang igiit ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos.
“Use diplomacy and intelligent tactics. The MDT should not be invoked lightly. Use our Kokote not the MDT,” diin ni Pimentel.
Muli namang binatikos ni Senador JV Ejercito ang harassment na ito ng Chinese Coast Guard.
“This is too much already! Nakakapikon na ang Tsina! Sobra na pambabastos sa ating mga Coast Guard, Navy lalo na sa mga mangingisda! This is just too much!” pahayag ni Ejercito.
(DANG SAMSON-GARCIA)
193