Patuloy ang pagtugon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na abutin ang bawat sulok ng bansa upang makapaghatid ng tulong sa mga kababayan nating mahihirap at nangangailangan lalo’t higit yung mga biktima ng mga sakuna at kalamidad.
Noong ika-15 ng Agosto 2023, pinangunahan ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles kasama si PCSO Director Jennifer E. Liongson – Guevara ang 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘤𝘦𝘳𝘦𝘮𝘰𝘯𝘺 na ginawa sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Magkakaloob ang ahensiya ng dalawang libong (2,000) pirasong food packs para sa mga mahihirap na residente ng probinsiya ng Camarines, Norte na kung saan madalas makaranas ng mga kalamidad gaya ng malalakas na bagyo at ipo-ipo na pumipinsala sa lugar.
Ayon sa panayam kay Kgg. Ricarte “Dong” R. Padilla, gobernador ng lalawigan napakalaking tulong para sa kanyang mga kababayan ang ayuda na ibibigay ng PCSO kaya labis ang kanyang tuwa at pasasalamat sa ahensiya,
“𝘼𝙠𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙮 𝙩𝙖𝙤𝙨-𝙥𝙪𝙨𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙪𝙣𝙪𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝘾𝙎𝙊 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙪𝙢𝙪𝙣𝙤 𝙣𝙞 𝙂𝙈 𝙈𝙚𝙡 𝙍𝙤𝙗𝙡𝙚𝙨 𝙖𝙩 𝘿𝙞𝙧. 𝙅𝙚𝙣𝙣𝙞𝙛𝙚𝙧 𝙂𝙪𝙚𝙫𝙖𝙧𝙖 𝙜𝙖𝙣𝙪𝙣 𝙙𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡𝙚𝙨 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙬𝙖𝙣𝙞 𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙧𝙖𝙣 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙞𝙣𝙨𝙮𝙖 𝙣𝙜 𝘾𝙖𝙢𝙉𝙤𝙧𝙩𝙚. 𝙄𝙩𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙥𝙪𝙥𝙪𝙣𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙧𝙚𝙨𝙞𝙙𝙚𝙣𝙩𝙚 𝙣𝙖 𝙖𝙥𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙜𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙀𝙜𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙡𝙤 𝙣𝙖 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙜𝙞𝙨𝙙𝙖 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙗𝙖𝙮𝙞𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙜𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙪𝙜𝙖𝙧 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙬𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮. 𝙄𝙩𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙮 𝙩𝙖𝙩𝙖𝙣𝙖𝙬𝙞𝙣 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙪𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙡𝙤𝙤𝙗 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤. 𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙥𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝘾𝙎𝙊.”
Ang pamimigay ng mga ayudang food packs ay nakapaloob sa Corporate Social Responsibility (CSR) Program ng ahensiya at alinsunod na din sa tagubilin ni PBBM ukol sa tinatahak na BAGONG PILIPINAS!
𝘼𝙠𝙙𝙖 𝙣𝙞: 𝙅𝙚𝙧𝙬𝙞𝙣 𝙋. 𝙉𝙤𝙝𝙖𝙮
𝙈𝙜𝙖 𝙡𝙖𝙧𝙖𝙬𝙖𝙣 𝙠𝙪𝙝𝙖 𝙣𝙞𝙣𝙖: 𝙅𝙪𝙨𝙩𝙞𝙣 𝘽. 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨
