PERSONNEL, 2 MANANAYA ARESTADO SA ILLEGAL HORSE RACING

SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District at mga tauhan ng Games and Amusements Board (GAB) ang ilegal na karera ng kabayo sa Tondo, Manila.

Naaresto sa operasyon sina Maria Angelica, 31, personnel; alyas “Almer”, 47, jeepney driver at Reynaldo, 66-anyos, na kapwa mananaya.

Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, bandang 8:30 ng gabi nang salakayin nila ang illegal na bookies ng karera sa Franco St., Barangay 65, Zone 6 sa Tondo katuwang ang mga tauhan ng GAB na pinangunahan ni Raul Galit, Sports & Games Inspector ll.

Bilang pagtugon sa direktiba ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, isinagawa ang simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation laban sa mga lumalabag sa batas. (RENE CRISOSTOMO)

14

Related posts

Leave a Comment