PING REMULLA, NAHALAL NA KINATAWAN NG 7TH DISTRICT NG CAVITE

IPRINOKLAMA na nitong Linggo ng umaga bilang bagong congressman ng ika-7 Distrito ng Cavite si Crispin Diego “Ping” Remulla sa isinagawang Special Election noong Pebrero 25, 2023. 

Ang 7th District ay binubuo ng Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City, sa lalawigan ng Cavite

Iprinoklama si Remulla sa Cavite Provincial Capitol  ni Atty. Mitzele  Morales-Castro, Provincial Election Supervisor ng Cavite, na nakakuha ng kabuuang bilang na 98,474 boto, ang pinakamataas na bilang ng boto laban sa kanyang mga katunggali.

Pinalitan ni Ping Remulla ang kanyang ama na si Department of Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla matapos na italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing posisyon.  

Nabatid na 42.11 percent lamang o 149,581 botante lamang ang bumoto sa nasabing special election, mula sa kabuuang 355,164 na rehistradong botante. (SIGFRED  ADSUARA)

62

Related posts

Leave a Comment