PNP agad bumuo ng Task Force HUMAN RIGHTS LAWYER NILIKIDA

AGAD na nagtatag ng isang special investigating task group ang PNP-Abra Provincial Police Office para tutukan ang kaso ng paglikida sa isang public interest lawyer sa Bangued, Abra

Target ng binuong Abra PPO-Special Investigation Task Group na kilalanin at alamin ang motibo ng riding in tandem assassins na bumaril kay Atty. Maria Sanita Liwliwa Gonzales Alzate.

Ayon sa ulat ni P/Col. Froiland Lopez, Provincial Director ng Abra Police, matapos ang kanilang case conference ay inutos ang tuloy-tuloy na pagsisiyasat para sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek na bumaril sa abogada habang nasa loob ng kanyang puting Mitsubishi Mirage G4 na kotse na nakahimpil lang sa tapat ng kanilang bahay.

Bukod dito, nire-review na rin nila ang CCTV footages sa crime scene sa tapat mismo ng bahay ng biktima sa Bangued, at ang mga posibleng ruta na tinahak ng hindi pa kilalang mga suspek.

Magugunitang noong Huwebes ng hapon, habang nasa loob ng puting Mitsubishi Mirage G4 sedan (AVA 6533) ang biktima, nang lapitan ito ng mga suspek at paulit-ulit na pinagbabaril.

Nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang abogada subalit nalagutan ng hininga bago pa malapatan ng lunas.

“We mourn the passing of Atty. Ma. Sanita Liwliwa Gonzales-Alzate, a brilliant legal aid & public interest case lawyer,” wika ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Northern Luzon Region nitong Biyernes.

“She is a loss to the IBP where she served as a former president of her chapter & a CBD commissioner. We join her family in prayer & in seeking justice to her senseless killing.

(JESSE KABEL RUIZ)

239

Related posts

Leave a Comment