PNP PINADIDISTANSYA SA JOLO RUBOUT PROBE

MAKABUBUTING dumistansya sa imbestigasyon ang liderato ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang payo ni ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo kaugnay ng nangyaring pamamaslang sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Bagaman pinadidistansya, dapat aniyang makipag-cooperate ang PNP sa National Bureau of Investigation na naatasang magsagawa ng imbestigasyon.

“If the PNP wants to save public trust in its organization, it would be wise for the PNP to keep its distance, practice ample physical distancing, but cooperate with the investigation,” ani Rep. Tulfo.

Puna rin ni Tulfo, panibagong dagok sa tiwala ng publiko sa PNP ang nangyari sa Jolo, kasunod ng pagpatay rin ng isang kawani ng PNP sa isang dating sundalo sa Quezon City noong Abril.

“The NBI investigated. They filed murder, perjury, and planting of evidence charges against the PNP officer who shot dead former Corporal Winston Ragos. The NBI caught the police officer lying,” ani Tulfo.

Sa Jolo incident, NBI muli ang nag-iimbestiga.

Nangako si Tulfo na patuloy niyang susubaybayan ang pag-usad ng NBI investigation.

Aniya, hindi na maikakaila ng PNP na magiging kabawasan sa tiwala ng publiko sa kanila ang nangyari sa Jolo, lalo na’t ilang buwan pa lamang ang nakararaan mula noong “Albayalde crisis of confidence” na sariwa pa sa alaala ng madla.

“The new PNP leadership is just months old with PNP Chief Archie Gamboa formally appointed last January,” pahayag pa ng mambabatas. (CESAR BARQUILLA)

85

Related posts

Leave a Comment