POLITICAL PLANS ‘DI BABANGGITIN SA HULING SONA NI PDU30

0

SINABI ng Malakanyang na walang babanggitin na kahit na anomang political plans para sa 2022 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

“Siguro po hindi mapapasama ang kanyang mga planong pulitikal,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Ang importante is the roadmap for his last year in office,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaang sinabi ng pangulo na seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.

Tumatayong chairman ng PDP-Laban si Duterte na una nang hinimok ng kanyang mga kapartido na tumakbong bise-presidente sa eleksyon sa susunod na taon.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na nakatuon ang pansin ng pangulo para sa kanyang final SONA sa Hulyo 26 sa mga hakbang na kailangan para umunlad ang bansa.

“He will focus on social programs, infrastructure, peace and security, foreign policy…he will address what and where we are now and looking forward to his final year,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment