PRESS FREEDOM NIRERESPETO NG BBM ADMIN

KINIKILALA at nirerespeto ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang press freedom sa bansa na nakabatay sa Saligang Batas o Konstitusyon.
Sinabi ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa selebrasyon ng National Press Freedom Day ngayong Martes, Agosto 30.

Ani Cruz-Angeles, idineklara at naisabatas noong nakaraang administrasyon ang araw ng pagkilala na ito sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa at kay Marcelo H. Del Pilar, isang bayaning mamamahayag at propagandista noong panahon ng pananakop ng mga kastila.

Siya rin aniya ang tinuturing na ama ng pamamahayag sa bansa.

Sa official social media account ni Sec. Angeles, inihayag nito na nakikiisa ang Office of the Press Secretary (OPS) sa pagdiriwang na ito ngayong araw. (CHRISTIAN DALE)

6

Related posts

Leave a Comment