PROMOSYON NG GOV’T OFFICIALS SA DONASYON NA MULA SA TOBACCO IKINABABAHALA

IKINABAHALA ng Parents Against Vape (PAV) ang ulat hinggil sa ilang opisyal umano ng gobyerno partikular ang kanilang pagtanggap at pag-promote ng mga mobile clinic na donasyon mula sa Philip Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC).

Sinabi ng Parents Against Vape na ang pampublikong pagpapakita ng naturang pag-endorso ng mga donasyon ay nagbabadya ng mga seryosong ethical, legal at health related issues.

“The actions of these government officials and the accompanying display of support could be construed as a blatant endorsement of an industry that is known for its detrimental health effects ” sabi ng grupo.

Iginiit ng grupo na ang mga endorsement ay lubhang nakababahala para sa mga posibleng paglabag sa Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulation Law of 2003 na nagre-regulate ng tobacco advertising, promotion at sponsorship upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Sinabi ng PAV, na sa pag-endorso ng donasyon mula sa Philip Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC), ang aksyon ng mga opisyal ng gobyerno ay lumilitaw na sumasalungat sa layunin ng batas na bawasan ang impluwensya ng tabako at pigilan ito sa pagsulong ng mga produkto nito.

Binanggit din ng PAV ang Executive Order No. 26 na nagtatatag ng smoke-free environments sa pampublikong lugar at EO 46 na naglalaman ng mga patakaran sa Ethical Conduct of Public Officials and Employees, sa gayon ay nagbabawal sa mga pampublikong opisyal na tumanggap ng mga regalo o donasyon na maaaring makaimpluwensya sa kanilang kawalang-kinikilingan.

Iginiit din ng PAV ang RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nanawagan ang PAV sa mga public official na suriin muli ang kanilang mga posisyon at alisin sa publiko ang anomang pag-endorso ng tobacco industry upang maibalik ang tiwala ng publiko at itaguyod ang mga prinsipyo ng kalusugan at integridad na hinihingi ng ating komunidad at mga batas.

“Reaffirm and strengthen the commitment of government officials to public health laws and ethical conduct by implementing stricter guidelines on interactions with industries that have a detrimental effect on public health,” sabi ng PAV.

Sa panig ng Department of Health (DOH), patuloy na magiging tagapagtaguyod ng tobacco at vape control si Secretary Teodoro Herbosa.

Sinabi rin na hindi tumatanggap ang DOH ng anomang donasyon mula sa tobacco/vape industry. Nanatili rin ang kanyang matibay na posisyon at ng ahensya laban sa tobacco/vape industry. (JOCELYN DOMENDEN)

103

Related posts

Leave a Comment