PUMALAG NA SNATCHER PATAY SA PULIS

BATANGAS CITY – Patay ang isang lalaki na pumasok sa isang bahay at nang-agaw ng cellphone, matapos na manlaban sa nagrespondeng mga pulis sa lungsod na ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Geronimo Rivera, 47-anyos, residente ng Brgy. Sta. Clara, Batangas City.

Batay sa report ng Batangas City Police, dakong alas-3:00 ng gabi nang pasukin ng suspek na armado ng itak ang bahay ni Joseph Bunquin at inagaw ang cellphone nito.

Humingi ng tulong si Bunquin sa mga pulis na agad namang nagresponde ngunit mabilis na tumakbo ang suspek.

Nang masukol, tinangkang tagain nito ang dalawang pulis kaya napilitan ang mga awtoridad na paputukan ito.

Tinamaan ng dalawang bala sa tiyan ang suspek na isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment