QC MAYOR, POSITIBO SA COVID-19

INANUNSYO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na positibo sa COVID-19 ang resulta ng pinakahuli niyang test.

Sa kabila nito, sinabi ng alkalde na asymptomatic siya o walang nararamdamang sintomas.

Kasabay nito, sinimulan ang contact tracing ng QC Epidemiology and Surveillance Unit para sa mga nakasalamuha ng alkalde.

Pansamantala namang isasara ang office of the mayor sa QC para sumailalim sa disinfection.

Paalala ng alkalde, kailangang mag-ingat ang publiko dahil kakaiba ang COVID-19 na tumama pa rin sa kanya sa kabila ng kanyang matinding pag-iingat.

136

Related posts

Leave a Comment