QUIBOLOY, KINASUHAN NI PACQUIAO

0

IPINAGHARAP na ng P100-million libel at cyber libel case ni Senador Manny Pacquiao ang religious sect leader at self proclaimed “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe” na si Pastor Apollo Quiboloy.

Personal na nagtungo si Pacquiao sa Makati City Prosecutor’s Office para sa paghahain ng kaso laban sa mga pahayag ni Quiboloy hinggil sa pagkakasangkot ng senador sa maling paggamit ng pondo sa hindi pa natatapos na Sarangani Sports Training Center.

Batay pa sa alegasyon ni Quiboloy, ang proyekto ay nagkakahalaga ng P3.5 bilyon.

Sa 13-pahinang reklamo ni Pacquiao, pinagbabayad niya si Quiboloy ng P100-M sa damages dagdag pa ang attorney’s fees sa paggamit sa kanyang kapangyarihan sa pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon.

“He used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant. He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another’s reputation,” pahayag ni Pacquiao sa reklamo.

Ilang buwan na ang nakalilipas nang mag-leak ang isang video ni Pacquiao kung saan ito nagrereklamo na sa katiwalian sa gobyerno.

Pinuna rin ni Pacquiao ang mga umano’y iregularidad sa pamamahagi ng pondo sa Special Amelioration Program.

Bilang sagot sa mga banat ni Pacquiao, inilabas ni Quiboloy sa kanyang television program ang akusasyon ng katiwalian laban dito kaugnay sa konstruksyon ng Sarangani Sports Training Center.
Gayunman, lumitaw sa datos na ang P3.5 bilyon ay inilaan sa Philippine Sports Training Center sa Bataan at walang kinalaman ang senador sa proyekto.

Idinagdag pa ni Pacquiao na ang inilabas ni Quiboloy na larawan ng programa ay ang old building ng Sarangani Province Sports Complex. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment