‘RAMON’ NAKAPAGTALA NG SIGNAL NO 3 SA ILANG LALAWIGAN

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA)

ISINAILALIM na sa signal no 3 ang Northern Portion ng Cagayan dahil sa inaasahang paglandfall ng bagyong ‘Ramon’.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 Northern portion ng Cagayan, Signal no.2 naman sa Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur at  nakataas ang signal no 1 sa Mountain Province, Benguet, Ifugao La Union, at  Pangasinan.

Ang bagyo ay huling namataan sa Calayan, Cagayan, taglay ang 120 kph na lakas ng hangin at bugso na 75kph.

Martes ng gabi ito inaasahang tatama sa Babuyan Island.

Ayon kay weather specialist Raymond Ordinario, sa pag-landfall ng bagyo sa Cagayan ay hihina ito at tatahakin ang direksyon patungong Dagupan City at sa araw ng Huwebes ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kaugnay nito, nasa loob na ng bansa ang

binabantayang Low Pressure Area. Namataan ito sa layong 930 km ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahang magiging bagyo ito sa loob ng 24 oras at tatawagin itong bagyong Sarah, ang ikatlong bagyo nitong buwan ng Nobyembre.

 

296

Related posts

Leave a Comment