RUBIO ITINALAGANG BOC COMMISSIONER

INANUNSYO ngayon ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Bienvenido Y. Rubio bilang commissioner ng Bureau of Customs (BoC).

Si Rubio, tubong – Batac, Ilocos Norte, nagsimula sa BoC bilang Special Agent 1 noong 2001, sinasabing ito ang una niyang assignment sa ahensiya.

Kalaunan ay na-promote siya bilang Special Investigator, pagkatapos ay Intelligence Officer I, at pagkatapos ay itinalaga bilang Officer in Charge ng Intelligence Division para sa Manila International Container Port at Port of Manila hanggang 2013.

Nakatulong din si Rubio para masabat ang smuggling ng iba’t ibang kalakal kabilang na ang dangerous drugs at agricultural products.

Matapos hawakan ang posisyon bilang Intelligence Officer III at IV mula 2013 hanggang 2021, at alinsunod sa kanyang dedikasyon at commitment na magsilbi, itinalaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero January 2021  bilang Director III ng BoC.

Si Rubio ay itinalaga bilang Director ng Port Operations Service sa ilalim ng Assessment and Operations Coordinating Group, nagsusulong sa implementasyon ng polisiya na nagpapalakas at nagpapahusay sa Port utilization at monitoring sa storage, auction, at disposal activities ng lahat ng Collection Districts.

Gayundin, pinangunahan nito ang kolaborasyon sa Strategic Trade Management Office, Philippine Economic Zone Authority, at Anti-Red Tape Authority sa pagtatalaga ng mekanismo tungo sa trade facilitation, pagtatatag ng seamless export procedures, at critical information sharing.

Para naman kay Commissioner Rubio, kinikilala nya ang “overarching directives” mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  kung saan kinokonsidera nya ngayon bilang kanyang  top priorities.
Ang mga prayoridad na ito ay “hit and surpass the revenue target; simplify and secure the facilitation of trade; curb smuggling of any form; at uplift the morale of the men and women of the Bureau of Customs.”

Dahil sa tiwala sa kanya na hawakan ang nasabing posisyon, sinabi ni Commissioner Rubio na ipagpapatuloy niya ang tagumpay na nasimulan ng kanyang predecessors at ipakikilala ang mga programa na magpapalakas sa pagsisikap ng BoC sa pagganap sa mandato nito. (CHRISTIAN DALE)

178

Related posts

Leave a Comment