SA LOOB NG 48-ORAS, ‘RAMON’ LALAKAS PA

rain

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Virac, Catanduanes at pinangalanan itong bagyong  Ramon, ang ika 18 bagyo na pumasok sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan 835km Silangan ng Virac, Catanduanes at 685 km Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

Kumikilos ito sa bilis na 10kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 77kph.

Lalakas at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 48-oras kung saan unang isasailalim sa Signal No 1 ang lalawigan ng Samar.

Itinaas din ng Pagasa ang gale warning signal sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang Bicol, Romblon,

Marinduque at Quezon gayundin ang Isabela, Quirino, Aurora, Polilo Island, Camarines Norte at mahina pero tuloy tuloy na pag-uulan sa Aklan, Capiz, Romblon at Marinduque.

 

151

Related posts

Leave a Comment