Sa pulong sa Private Sector Advisory Council TRABAHO, AYUDA SA MSMEs INILATAG KAY PRES. MARCOS

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council sa Malacañang.

Batay sa ulat ng Office of the President, tinalakay sa pagpupulong ang mga plano upang magkaroon ng mas maraming bakanteng trabaho sa bansa.

Nagrekomenda naman ang Private Sector Advisory Council sa Pangulo na patatagin at bigyan pa ng ayuda ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) upang makapag-engganyo ng mas maraming investors at makabuo ng mga skill para magkaroon ng workforce longer-term competitiveness.

Samantala, nag-courtesy call kahapon si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang.

Nagpasalamat si Pangulong Marcos sa pagbisita ng Chinese ambassador at sinabing umaasa siyang magkakaroon ng mas magandang relasyon ang Pilipinas at China na magbebenepisyo sa bawat mamamayan ng dalawang bansa.
Ang China ay isa sa mga bansa sa Asya na patuloy na umaangkin sa ilang islang sakop ng West Philippine Sea.

61

Related posts

Leave a Comment