Sa Singapore visit ni PBBM $6.54-B INVESTMENT DEALS SINELYUHAN

(CHRISTIAN DALE)

NANGUNA sa listahan ng Singaporean investments sa Pilipinas ang electronic tricycles na nagkakahalaga ng USD5 billion.

Ayon sa Malacanang, ito ang bunga na aanihin ng Pilipinas mula sa USD6.54 billion (P374.57) investment deals mula sa two-day state visit ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa naturang bansa.
Ang byahe ng Pangulo sa Singapore ay nagresulta ng paglagda sa ilang letters of intent na mamuhunan sa Pilipinas sa idinaos na Singapore business roundtable meeting, nitong Miyerkoles.
Ang nasabing letters of intent ay inaasahan na makalilikha ng 15,000 hanapbuhay para sa mga Pilipino.

“This investment in the transportation sector is seen to lessen air pollution emitted by an estimated 3.5 million tricycles nationwide,” ayon sa Malakanyang.

Pumapangalawa naman sa investment ang renewable energy, lalo na ang bagong teknolohiya ng “floating solar” na nagkakahalaga ng USD1.2 billion.

“You will notice that the top two investments of Singapore to the Philippines are both environment-friendly and are aligned with the government’s program on climate change,” ayon kay  Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Kaugnay nito, iniulat ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang pagbabalik sa bansa na nakalikom sila ng $14.36 billion investment pledges sa kanyang state visit sa Indonesia at Singapore.
Katumbas ito ng halos P800,000,000,000, batay sa kasalukuyang palitan ng piso at dolyar.

Kabilang sa mga deal na ito ay nasa sektor ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing at agriculture.

Gayunman, maaari pa itong magbago alinsunod sa implementasyon ng naturang mga kasunduan.

137

Related posts

Leave a Comment