SALISI SA STA. MESA HULI SA FOLLOW-UP

ARESTADO sa inilatag na follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta. Mesa Police Station 8, sa Cubao, Quezon City ang isang 22-anyos na binata makaraang looban ang isang massage and spa shop sa Sta. Mesa, Manila noong Sabado ng gabi.

Kinilala Police Lieutenant Colonel Dionell Brannon, station commander, ang suspek na si John Lloyd Santiago, 22, natimbog dakong alas-6:45 ng gabi.
Si Santiago ay suspek umano sa panloloob sa isang massage and spa shop sa Sta. Mesa, Manila na tinangayan ng iba’t ibang gadgets. (RENE CRISOSTOMO)

98

Related posts

Leave a Comment