SENADO ‘DI PAAAPEKTO KAY DUTERTE

0

NANINDIGAN ang Senado sa kanilang pagiging independent at nangakong itutuloy ang kanilang mandato sa pagtitiyak na nagagamit nang tama ang pondo ng bayan.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magpaalam sa kanya ang sinumang opisyal na dadalo sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na prerogative ng Punong Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga polisiya sa kanyang gabinete.

Gayunman, iginiit ni Sotto na hindi nito mapipigilan ang kanilang oversight function sa mga proyekto ng gobyerno at maging ng paggastos ng pamahalaan.

“That is the prerogative of the Chief Executive. It’s up to him. However, the Senate will exercise our legislative oversight function over government projects and expenditures that we approved,” saad ni Sotto.

Nanindigan din ang senador na hindi na nila problema kung hindi tutugma sa kagustuhan ng administrasyon ang mga panukalang kanilang ipapasa dahil sa kawalan ng kooperasyon sa kanila ng gabinete.

“That will not be our problem if our legislation will not be suitable to what the executive department’s perspective is,” dagdag ni Sotto.
Ipinaalala pa ni Sotto na ang independence ng Senado ay hindi nakadepende sa kooperasyon o kawalan ng kooperasyon ng executive department. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment