SENIOR CITIZEN, PATAY SA BUNDOL NG MOTOR

PATAY ang isang 60-anyos na lalaki makaraang mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa westbound lane ng New Panderos Street, Sta. Ana, Manila noong Linggo ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Dennis Bisco, may asawa, ng Barangay 898, Punta, Sta. Ana.

Habang sugatan naman ang angkas sa motorsiklo na si Claire Ann Diga, 22, intern medical technologist, residente ng Alfonzo, Cavite

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne na isinumite kay Police Major Jaime Gonzales Jr., chief ng Vehicular Investigation Traffic Section ng Manila District Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.

Napag-alaman, habang tumatawid ang biktima sa kalsada nang mabundol ito ng paparating na motorsiklo na minamaneho ng isang Jiohan Co, 21, isang call center agent, ng Maybunga, Pasig City.

Nagresulta ito sa agad na pagkamatay ng senior citizen habang nasugatan naman ang angkas ng motorsiklo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries ang driver ng motorsiklo. (RENE CRISOSTOMO)

96

Related posts

Leave a Comment