CAVITE – Patay makaraang martilyuhin sa noo ang isang 71-anyos na senior citizen ng kanyang pamangkin nang magtalo ang mga ito sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Ronie Belarmino, caretaker, ng Brgy. Marahan 1, Alfonso, Cavite, namatay sa pinangyarihan ng insidente.
Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Leonard,” 39, isa ring caretaker, ng Alfonso, Cavite.
Ayon sa ulat ni Police Corporal Roger Ramento ng Alfonso Police Station, dakong alas-8:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa
Pier Ilaya, Marahan 1, Alfonso, Cavite.
Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na kapwa caretaker sa Eagles Farm.
Pagkaraan ay kumuha umano ng martilyo ang suspek at pinukpok sa noo ang biktima na nagresulta sa agarang kamatayan nito.
Agad namang nadakip ang suspek sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad.
(SIGFRED ADSUARA)
231