(NI ABBY MENDOZA)
ITINUTURING nang isang severe tropical storm ang bagyong Quiel na maghahatid ng pag-uulan subalit hindi magla-landfall.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) huling namataan ang bagyo sa Coron, Palawan, kumikilos ang bagyo sa bilis na 15kph, taglay ang lakas ng hangin na 95kph at bugsong 115kph.
Nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro provinces, Antique, Iloilo at Guimaras.
Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslide sa lugar dahil sa magiging tuloy tuloy na pag-uulan sa buong araw ng Biyernes.
Itinaas din ng Pagasa ang travel warning sa northern at western seaboards dahil sa malalakas na alon.
Inaasahang sa Sabado ng umaga ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
170