SHELLFISH SA 8 BAYBAYIN KONTAMINADO NG RED TIDE

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na umiwas kumain ng shellfish gaya ng tahong, talaba at alamang dahil walong baybayin sa bansa ang kontaminado ng red tide.

Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang nasabing mga shellfish mula sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran sa Bohol, Dumaquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Lianga Bay sa Surigao del Sur, San Benito sa Surigao del Norte, Milagros sa Masbate, San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Pinag-iingat ng ahensya ang pagkain ng mga ito dahil sa peligro sa kalusugan na maaaring maging sanhi ng kamatayan bunsod ng lason.

Nilinaw naman ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimasag sa nabanggit na mga lugar basta linising mabuti bago lutuin.

Nagsagawa ng pagsusuri ang BFAR sa mga shellfish na nakolekta mula sa tubig sa mga baybayin at natuklasang positibo ang mga ito sa paralytic shellfish poison na lampas sa limitasyon ng regulasyon.

(JULIET PACOT)

108

Related posts

Leave a Comment