Signal no. 5 sa Cagayan, Signal no. 4 sa Isabela PHL NAGTAAS NG ALERTO SA SUPER TYPHOON OFEL

ITINAAS ng pamahalaan sa pinakamataas na antas ng storm alert ang lahat ng government agencies na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa panahon ng kalamidad at libo-libong pamilya ang inilikas bunsod ng banta ng Super Typhoon Ofel habang nakaamba rin ang paparating na Tropical Storm Pepito.

Nabatid na kahapon ay nagsimulang manalasa ang bagyong Ofel sa hilagang bahagi ng Luzon at itinaas sa Tropical Warning Signal no.5 ang malaking bahagi ng Cagayan habang nasa Signal no. 4 naman ang Isabela province.

Ipinatupad ng Pilipinas ang pinakamataas na alerto laban sa bagyo at inilikas ang libo-libong tao nitong Huwebes habang humahagupit ang Super Typhoon Ofel patungo sa hilagang Luzon na ilang ulit nang sinalanta ng nagdaang mga bagyo nitong nakalipas na linggo.

Si Ofel ay may taglay na lakas ng hanging aabot sa 180 kilometro bawat oras at pinakamalakas na bugso na aabot sa 230 KPH — ang ikalimang bagyo na nagbabanta sa bansa sa loob lamang ng tatlong linggo.

Babala ng Office of Civil Defense, ang hangin ay maaaring magdulot ng ng pinsala sa mga istruktura na gawa sa light materials, lalo na sa coastal areas, na itinuturing na “low-risk”, bukod pa sa banta ng landslides sa mga naninirahan sa may dalisdis ng bundok.

“Intense to torrential rain and potentially life-threatening coastal waves of up to three meters were also forecast over two days, with the storm warning raised to the highest signal on a five-step scale,” ayon sa OCD.

Bunsod nito, kakailanganin ng gobyerno ng panibagong supply para matustusan at mapakain ang tinatayang 40,000 katao na kahalintulad na bilang din ng mga inilikas bago pa ang pananalasa ng nagdaang Typhoon Marce na tumama rin sa Cagayan.

“We expect this situation to persist over the next few days as Ofel brings more rain,” ayon pa sa OCD, “Ofel now a super typhoon; Signal 5 up in Cagayan.”

Pangamba pa ng OCD, nakaamba na rin ang banta ng pananalasa ni Tropical Storm Man-yi (Pepito) kung saan posibleng mahagip din ang Metro manila.

“Typhoons are overlapping. As soon as communities attempt to recover from the shock, the next tropical storm is already hitting them again,” pahayag ni UN Philippines Resident and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez na kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa UN para sa planong paglikom ng mahigit $32 million dollars na ayuda sa Philippines. (JESSE KABEL RUIZ)

80

Related posts

Leave a Comment