STAFF NI CONG. TEVES NAGREKLAMO SA CHR VS CIDG NA DUMAMPOT SA KANILA

Pormal na nagtungo sa Commission on Human Rights (CHR) Quezon City ang staff ni Nogros Oriental 3rd District Congressman Arnie Teves para magsampa laban sa dumampot sa kanilang dalawa ng kanyang asawa na mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang bahay sa Brgy. Malabugas, Tinastasan, Bayawan City noong Marso 10, 2023.

Kasama ni Hannah Mae Oray sina Atty. Toby Diokno at Atty. Ferdinand Topacio sa CHR Commonwealth Quezon City upang ihain ang kanyang reklamo laban sa mga tauhan ng CIDG.

Sa labing tatlong pahinang sinumpaang salaysay ni Oray, nasa hustong gulang, residente ng Tinastasan, Brgy. Malabugas, Bayawang City ay nagsampa siya ng reklamo sa CHR laban sa mga miyembro ng CIDG na responsable sa illegal na pagpatupad ng searcg warrant, pag-aresto, pagdeteni at paglabag sa kanilang mga karapatang pantao.

Nakapaloob pa sa kanyang reklamo na noong ika-10 ng Marso 2023, mga pasado alas-4 ng madaling-araw, pinalibutan ng mga armadong pulis na may matataas na kalibre ng armas ang bahay nila sa nabanggit na address.

Anya, pilit pinasok ng mga pulis ang kanilang bahay na kinausap sila ng kapatid ng kapatid niyang babae (Hazel) kung sino ang nakapangalan sa search warrant at sinabing isang alias “Hannah Mae”.

Nakiusap umano ang kanyang kapatid na hintayin ang mga barangay officials bago pumasok ang mga tauhan ng CIDG na kung saan ay tinakot pa ang kanyang kapatid na kapag hindi buksan ang gate ay pepwersahin nila nilang itong papasukin.

Doon na siya lumabas ng kanilang bahay at nilapitan ang kanyang kapatid na kausap ng mga pulis na naka-bonnet na mayroong matataas na lalibreng armas.

Dito hiningi ni Oray ang kopra ng search warrant subalit pinabasa lamang sa kanya ng mga pulis na nakalagay sa pa sa celphone.

“Bale picture lang po ang nasa celphone ng pulis at hindi ko masyadong mabasa. Hindi ko pa tapos basahin ay pinipilit a niya itong kunin,” banggit pa ni Oray.

“Pinagbawalan po lahat ng miyembro ng aking pamilya na mag-video habang nagsesearch. Kinumpiska ng mga pulis ang lahat ng celphones namin at inilagay sa isang mesa. Sinasabi nila na huwag kunin ang celphones para walang masaktan habang nakatutok ang mga mahahabang baril sa amin. Sinabiha ko sila na hinatayin muna ang barangay officials bago nila simulan ang search,” dagdag pa ni Oray.

Sinabi pa niya na unang pumasok a ng mga pulis na may mga matataas na kalibre ng armas bago ang mga miyembro ng CIDG.

“Nagtanong po sila kung may baril ba daw sa aming bahay at ang sabi ko asawa ko na si Heracleo Oray ay meron at nagdun sa kanilang sasakyan at ang isa nasa loob ng bahay namin pero kumpleto ang mga ito ng mga papeles,” pahayag pa niya.

“Binuksan ng asawa ko ang pick-up naming sasakyan at binibigay sa kanila ang baril. Kinuha nila ang ang baril at tinanong kung nasaan ang mga papeles nito nito. Nilabas ng asawa ko ang kanyang License to Own and Possess Firearm (LTOPF) at ang kanyang Permit to Carry (PTC) ID. Nilagay nila ito sa mesa kasama ang isang baril. (Nilakip ko dito ang mga kopya ng LTOPF and PTC ID ng aking asawa bilang Annex “B” saka “C”, ayon sa pagkakasunod,” pahayag pa ni Oray.

Sa kabilang kumpleto ang kanilang kumpleto ay dinampot pa rin sila ng mga tauhan ng CIDG at dinala pa sa CIDG Camp Crame, Quezon City.

Nauna nang nagpasaklolo sa CHR si Hazel Sumerano kasama si Atty. Diokno kamakailan matapos na damputin ng mga tauhan ng CIDG ang kapatid niyang Hannah Mae Oray at asawa nito na si Heracleo Oray sa kanilang bahay.

Ibinunyg din ni Hannah Mae na walang humpay siyang kinakausap ng ibat-ibang tao kasama ang natandaan niyang alias “Kalbo” sa CIDG at tinatakot na kung hindi niya ididin si Cong. Teves sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo kamakailan ay tadtarin siya ng kaso kasama ang kanyang asawa.

Tahasan din sinabi ni Hannah Mae na pilit sinasabi sa kanyang mga tauhan ng CIDG na aminin nito na siya ang nagbayad sa mga suspek na pumatay kay Gov. Degamo.
Sa kabila nito ay hindi niya sinabi dahil isa lang siyang pribadong secretary ni Cong. Teves na nagpapasuweldo sa mga tauhan ng kongresista sa bahay nito at wala siyang alam sa mga pumatay sa Gobernador.

Noong nakaraang Marso 15 ay pinakawalan si Hannah Mae ng Department of Justice matapos makitang matibay na baseha na magdidiin sa kanya, subalit ang kanyang kanyang asawa ay nananatiling nakakulong sa CIDG Camp Crame, Quezon City.

Samantala sa isinagawang press conference kahapon sa Quezon City sinabi ni Atty. Topacio abugado ni Cong. Teves na pormal nang nilang hilingin sa Kamara na bigyan ng palugit si Teves ng dalawang buwang bakasyon dahil nanganganib ito sa kanyang kaligtasan dahil sa banta sa kanyang buhay.

Pinuna rin ni Atty. Topacio ang mga tanggapan ng gobyerno na nagtutulong-tulong para idiin ang kanyang kliyente sa pagpatay kay Gov. Degamo.

Anya, wala pa silang matibay na base

(JOEL AMONGO)

369

Related posts

Leave a Comment