NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para paimbestigahan sa House committee on agriculture and food ang umano’y ‘state-sponsored” smuggling sa asukal.
Base sa House Resolution (HR) 891 na inakda ng militanteng mambabatas, mahalagang alamin ang nasabing alegasyon dahil malaki ang epekto nito sa sugar industry ng bansa.
“It is important to probe the entry of some 260 shipping containers of sugar from Thailand consigned to All Asian Countertrade Inc., ahead of issuance of Sugar Order (SO) No. 6. The imported sugar, believed to be smuggled, entered the Country through the Port of Batangas,” nakasaad sa resolusyon.
Ayon sa nasabing grupo na kinabibilangan nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, Act party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, hindi masisisi ang publiko na pagdudahang smuggled ito dahil dumating ang mga ito sa bansa noong Pebrero 9, 2023 samantalang Pebrero 15, 2023 lamang inilabas ang SO No. 6 na inisyu ng Sugar Regulatory Board (SRA).
Unang isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang bagay na ito kaya hiniling nito sa Senado na irekomenda na sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act o kaya paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga sangkot sa posibleng state-sponsored sugar smuggling na ito.
Sinabi pa ng Makabayan bloc na alam ng gobyernong Marcos na tutol ang mga magsasaka ng tubo na mag-angkat ng asukal subalit umangkat pa rin ng 440,000 metric tons ang administrasyon.
“It is notable that SO No. 6 did not have the signature of acting Agriculture Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. The only signatories of the importation order were DA Senior
Undersecretary Domingo Panganiban, acting SRA Administrator David John Alba and SRA board member Mitzi Mangwag and Pablo Azcona, representing the millers and planters, respectively,” bahagi pa ng resolusyon.
Subalit ang kailangang alamin ay kung sino ang nag-utos na ilabas ang SO No. 6 upang ang mga dumating na asukal ay maging legal at masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso dahil kung hindi ay mauulit ang modus na ito. (BERNARD TAGUINOD)
