BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na bumuo ng “stronger alliances” at patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa para lutasin ang tumitinding tensyon sa Taiwan.
Sa isang kumperensya na ang host ay ang Center for Strategic and International Studies sa Washington, DC, ipinaliwanag ng Pangulo na, “Patuloy ang pagpatibay natin ng ating pagsasama at pagpa-partner dito… iba’t ibang bansa na hindi lamang ‘yung mga nakapaligid sa Pilipinas. Hindi lamang ang ating karatig bansa kung hindi pati na ang mga bansa na dati hindi naman natin nakakausap dahil walang pangangailangan na magkaroon tayo ng partnership.”
Aniya, ang “arrangements at alliances” ng Pilipinas sa ibang bansa ay dapat matatag at nakaayon sa “needs of the day.”
“Not just Australia, not just the United States, also South Korea, also Japan, all of the ASEAN Member States and I think we can continue to… do that and I know that the countries… are already of the same mind,” aniya pa rin.
Tinuran pa rin nito na ang kanyang campaign message na pagkakaisa ay simula para palawigin hindi lamang sa local situation sa Pilipinas kundi maging sa international scale.
“Sila rin ay naghahanap na nga ng mga – magsasama upang harapin ang bagong mundo na sabay-sabay ,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)
