SUNDALO PATAY, ISA PA SUGATAN SA AMBUSH

DEAD on the spot ang isang off-duty na Philippine Army soldier habang nasa malubhang kalagayan naman ang kasamahan nito matapos silang tambangan ng armadong kalalakihan sa Sitio Sandakan, Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat na ni Police Lt. Col. Julhamin Asdani, hepe ng pulisya ng Sultan Kudarat, sa Kampo Crame, kinilala ang napatay na sundalo na si Staff Sgt. Darwin Alaba ng Army’s 1st Brigade Combat Team.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang sundalo na kinilalang si Pfc. Erwin Villa.

Ayon kay Asdani, lulan ng motorsiklo ang dalawang sundalo patungong Cotabato City nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan.

Hinihinalang tinugaygayan ng hindi pa kilalang mga suspek ang dalawang biktima sa kahabaan ng national highway at nang madikitan ay saka sila pinagbabaril.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente para matukoy ang mga suspek.

(JESSE KABEL RUIZ)

96

Related posts

Leave a Comment