TATTOO ARTIST TIMBOG SA TANGKANG ARSON

INARESTO ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, ang isang 46-anyos na tattoo artist sa Ermita Manila noong Huwebes ng hapon.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C. Cruz, station commander, bandang alas-1:25 ng hapon nang arestuhin ang suspek na si alyas “Niño”, residente ng Sampaloc, Manila.

Inaresto ang suspek ayon sa utos ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 19 ng City of Manila, sa kasong attempted arson.

(RENE CRISOSTOMO)

160

Related posts

Leave a Comment