THREE KEY CONGRESSIONAL AGENDA NG TURISMO

PANGUNAHING congressional agenda ng TURISMO ay tatlong mahahalagang programa na magsusulong ng benepisyo sa bansa – international, national at local.

Nangangailangan ito ng enabling laws para maisakatuparan ang mga ito.

Binigyang-diin ito ng Turismo Party-list nang maghain sila ng certificate of candidacy sa Commission on Elections sa Tent City ng Manila Hotel kamakalawa sa pangunguna ng First Nominee na si Wanda Teo Tulfo.

Ayon sa mga ito, sa international na usapin, kailangan nating paakyatin pa ang ating arrivals at isa sa mga dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang ASEAN market. Panahon na para magkaroon din tayo ng initiatives for trade in tourism sa pamamagitan ng pagkakataon na makilala din at mapuntahan tayo ng ating mga kapitbahay sa rehiyon tulad ng dami din ng nagpupunta nating kababayan sa kanilang bansa.

“Market reciprocity should be aggressively pushed,” ayon pa sa grupo. (DANNY BACOLOD)

62

Related posts

Leave a Comment