ISA pang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at dalawang empleyado ang naitalang bagong biktima ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 29 ang biktima ng COVID-19 sa Kamara kung saan tatlo na sa mga ito ang pumanaw na.
Sa kanyang Facebook post, inamin ni Deputy Speaker Mujiv Hataman na nagpositibo ito gayundin ang kanyang asawa na si Basilan City Mayor at dating Anak Mindanao Party-list Rep. Sitti Djalia
Hamatan.
“Nitong nakaraang Huwebes, dahil sa inakala naming karaniwang ubo, nagpasya kami ng maybahay kong si Mayor Dadah na magpa-test para sa COVID-19.
Bumalik na ang resulta. Positive kami pareho,” ani Hataman.
Hinihintay pa umano ng mga ito ang resulta ng COVID-19 test na isinagawa sa kanyang mga anak at kasamahan ng mga ito sa kanilang bahay sa Basilan ngunit sa kasalukuyan ay naka-quarantine ang mag-asawa.
“Maingat at mahigpit kaming sumunod sa safety measures. Pati na rin sa sino mang nakakasalamuha namin dito. Pero heto pa rin ang aming situwasyon. Tunay nga: sa ganitong mga
panahon, magkakarugtong ang kalusugan at kapalaran nating lahat,” ayon pa sa mambabatas.
Ikatlo na si Hataman sa mga mambabatas na nagkaroon ng COVID-19. Kamakailan ay nagpositibo rin sa nasabing virus sina Sulo Rep. Amier Tan at Depity Speaker Johnny Pimentel ng Surigao del Sur.
Samantala, kinumpirma naman ni House Secretary General Jose Luis Montales sa mga mamamahayag na dalawa pang empleyado ng Kamara na nakatalaga sa Office of the Speaker ang
nagpositibo rin sa COVID-19
“Two (2) employees assigned at the Office of the Speaker tested positive for COVID-19. Both last reported for work on July 16 and got tested on July 25 after experiencing some symptoms. We
reiterate that we shouldn’t let our guard down. We now face higher risk because the virus has spread in homes, workplaces, and communities. Please be extra cautious,” ani Montales.
Dahil dito, umakyat na sa 29 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Kamara mula noong Marso. (BERNARD TAGUNOD)
63