TRAVEL BAN SA 9 COUNTRIES NA NASA ‘RED LIST’ APRUBADO

0

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatupad ng travel ban sa 9 bansa na classified bilang “red list.”

Ang 9 na bansang ito, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay ang Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia, at Switzerland.

Para sa Inter-Agency Task Force (IATF), “high risk” ang mga classified “red list” countries batay sa mga sumusunod: para sa populasyon na

“more than 100,000,” ang incidence rate ay kailangan na mahigit sa 500 para naman sa populasyon na “less than 100,000,” ang COVID-19 case counts ay kailangan na mahigit sa 500.

Ang mga returning Filipino sa pamamagitan ng government-initiated o non-government repatriation programs at pinapayagan ang special commercial flights sa ilalim ng umiiral na IATF resolutions ay exempted mula sa restriksyon.

“All passengers who have been to the nine countries within 14 days immediately preceding arrival in the Philippines, who arriving before 12 noon of September 12, 2021, shall be allowed to enter the country,” ayon kay Sec. Roque.

Gayunman, kinakailangan sumailalim ang mga ito sa 14-day quarantine period, kung saan ang unang 10 araw ay sa quarantine facility at ang natitirang araw naman ay sa ilalim ng home quarantine sa kani-kanilang mga local government unit na destinasyon.

Sasailalim din ang mga ito sa RT-PCR testing sa ika-pitong araw ng kanilang pagdating “with the day of arrival as Day 1”.

Samantala, ang mga darating na pasahero ay kailangan kumpletuhin ang 10-day facility-based quarantine, sa kabila ng negatibong test result.

“In the case of Filipino or foreign passengers who merely transited through any of the abovementioned countries, they shall not be considered as having come or having been to the said country, provided they stayed in the airport the whole time and were not cleared for entry by immigration authorities,” ang pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment