TRAVEL BAN SA ‘RED LIST’ COUNTRIES BINAWI NA

BINAWI na ng Pilipinas ang ban o pagbabawal sa Filipino travelers mula sa Red List countries, o mga bansang mayroong high risk ng COVID-19 infection, mula Enero 16 hanggang 31.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang mga byahero mula sa Red List countries na fully vaccinated ay required na magpakita ng negatibong RT-PCR COVID-19 test 48 oras bago ang departure; sumailalim sa facility based quarantine at “subjected” sa RT-PCR COVID-19 test sa pang-pitong araw at kompletuhin ang natitirang 14-day quarantine sa bahay kapag nag-test negative sa RT-PCR COVID-19 test.

Ang mga bansa at o mga lugar na nasa ilalim ng Red List mula Enero 16 hanggang Enero 31 ay kinabibilangan ng: Antigua and Barbuda, Aruba, Canada, Curacao, French Guiana
Iceland, Malta, Mayotte, Mozambique, Puerto Rico, Saudi Arabia, Somalia, Spain and US Virgin Islands.

Sa kabilang dako, sinabi ni Nograles, na ang mga unvaccinated traveler mula sa Red List countries ay may mandato na magpakita ng negatibong RT-PCR COVID-19 test 48 hours bago ang departure, sumailalim sa facility-based quarantine at “subjected” sa RT-PCR COVID-19 test sa pang- pitong araw manatili sa facility-based quarantine sa loob ng 10 araw maging ano pa man ang RT-PCR COVID-19 test result, at kompletuhin ang natitirang 14-day quarantine sa bahay kapag na- test na negatibo sa RT-PCR COVID-19 test.

“We are doing this (revised policy) to make our measures responsive and manage our quarantine facilities [better],” ayon kay Nograles.

Ang anunsyong ito ni Nograles ay ginawa isang araw matapos makapagtala ang Pilipinas ng 34,021 new COVID-19 cases sa isang araw, pinakamataas simula nang sumipa ang pandemya sa bansa noong Marso 2020. (CHRISTIAN DALE)

80

Related posts

Leave a Comment